FPRRD nasa ICC detention’s hospital facility – VP Sara
MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang amang si dating Pang. Rodrigo Duterte ay kasalukuyang nananatili sa hospital facility ng The Hague Penitentiary Institution.
Sa isang panayam sa media matapos na mabisita ang ama nitong Martes, sinabi ni VP Sara na komportable naman ang kanyang ama sa loob ng pasilidad sa kabila ng malamig na temperatura sa The Hague.
Nang matanong ng media kung kinakailangan ng dating pangulo na magtungo sa klinika mula sa kanyang detention room para sa regular health monitoring, sinabi ng bise presidente na, “Hindi siya nire-release ng doctor.”
Dagdag pa niya, hawak na ng mga doktor doon ang rekord ng dating pangulo, gayundin ang listahan ng kanyang mga gamot.
Paglilinaw naman niya, hindi niya nakita ang quarters ng ama, gayunman, sinabi umano nito sa kanya na para siyang nasa hotel ngunit hindi maaaring lumabas.
Dagdag pa ng bise presidente, “I have to tell you: he is charming everyone inside. It’s his style, eh. He’s very friendly with people inside. Mayroon na silang banter.”
Ayon pa kay VP Sara, walang anumang pinagsisisihan ang dating pangulo dahil ang lahat ng ginawa niya ay ginawa niya para sa bayan.
- Latest