Nobyo ng doktora na pinaslang sa loob ng kotse, sumuko
MANILA, Philippines — Makalipas ang ilang araw na pagtatago lumutang at sumuko na sa National Bureau of Investigation (nbi) ang boyfriend ng pinaslang na resident doctor ng Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur na itinuturing na person of interest sa pamamaril.
Hawak na ng NBI-Bicol sa Naga City ang negosyanteng si Raymart Martinez, residente at negosyante ng bayan ng Magarao.
Si Martinez ay pinagdudahang siyang pumaslang sa nobyang si Dra. Rajean Monnete Romualdez, residente ng Singgalong, Maynila na natagpuang patay noong Linggo ng hapon habang nakaupo sa passenger seat sa unahang bahagi ng Toyota Vios na nakahimpil sa kahabaan ng Princeton Street, Monterey Village sa Brgy. Concepcion Pequeña ng naturang lunsod at may tama ng punglo sa kaliwang bahagi ng ulo.
Ayon kay NBI-Bicol Senior Agent Robert Joey Ajero, sa ngayon ay hindi pa suspek kundi itinuturing pa lang nilang “person of interest” si Martinez.
- Latest