38 pro-Duterte vloggers inisnab ang pagdinig ng Kamara
MANILA, Philippines — Nasa 38 mga tinaguriang pro-Duterte vloggers na inaakusahang nagkakalat umano ng fake news at disimpormasyon sa publiko ang ‘di dumalo sa pagdinig ng binuong Tri Committee ng Kamara de Representantes.
Sa kabuuang 41 social media personalities na ipinatawag ng Tri Comm ay tanging tatlo lamang ang dumalo. Nabatid na mayorya sa mga ipinatawag ay mga pro-Duterte vloggers at tatlo lamang ang hindi.
Ang Tri Comm ay binubuo ng House Committees on Public Order and Safety, Public Information at Information and Communications Technology na pinamumunuan ni Sta Rosa City Rep. Dan Fernandez.
Bunga nito ay nag-isyu ng show cause order ang Tri Comm laban sa mga hindi dumalong vloggers sa pagdinig.
Kabilang dito ay sina Elizabeth Joie Cruz, na alyas Joie De Vivre sa online; Krizette Lauretta Chu, Mark Anthony Lopez, Jun Abines Jr., Dr. Richard Tesoro Mata, Aaron Peña, Suzanne Batalla (IamShanwein), Ethel Pineda at iba pa.
Samantalang ang iba pa sa mga pro-Duterte vloggers ay kani-kaniya naman ng excuse letter para bigyang katwiran kung bakit hindi sila nakadalo sa pagdinig.
- Latest