^

Police Metro

117 katao timbog sa online lending hub

Ludy Bermudo - Pang-masa
117 katao timbog sa online lending hub
Pinasok ng NBI at PAOCC agents ang mismong working stations gamit ang search warrant, kung saan inabutan ang operasyon ng mga manggagawa na nasa harap ng mga computer habang nakikipagtransaksyon sa mga kliyente.
STAR/KJ Rosales, file

NBI, PAOCC raid sa Makati…

MANILA, Philippines —  Nasa 117 empleyado na pawang Pilipino ng isang online lending applications hub ang inaresto sa isinagawang magkasanib na pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at Presidential Anti-Organized Crime Commission  (PAOCC) sa Makati City, nitong Biyernes. Nasa 117 empleyado na pawang Pilipino ng isang online lending applications hub ang inaresto sa isinagawang magkasanib na pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation at Presidential Anti-Organized Crime Commission  (PAOCC) sa Makati City, nitong Biyernes.

Pinasok ng NBI at PAOCC agents ang mismong working stations gamit ang search warrant, kung saan inabutan ang operasyon ng mga manggagawa na nasa harap ng mga computer habang nakikipagtransaksyon sa mga kliyente.

Nakita rin ng mga awtoridad sa tabi ng mga desktop ang mga listahan ng mga kliyente na may due dates na at may mga script din sa pang-eengganyo sa mga target na kliyente.

Bago ang operasyon, ang United OLA Victims Movement, isang Non-Governmental Organization na tumutulong sa mga na-harass na kustomer ng mga online lending company, ay nag-ulat sa PAOCC noong Oktubre 2024 tungkol sa mapang-abusong mga taktika sa pangongolekta at mga mapanlinlang na gawi ng mga online lending application, tulad ng “Credit Cash” at “Pesowallet”.

Base sa reklamo, labis ang ipinapataw na interes sa kanilang loan at mga nakatagong bayarin sanhi upang sila ay lalong malubog at mahirapang magbayad.
Modus ng online lending app na makahanap ng mga biktima sa pamamagitan sa social media, na nag-aalok ng collateral-free na mga pautang na hanggang P25,000 pesos na may 35% lingguhang interes at ang mga hindi makapagbayad ng obligasyon ay hina-harass, pinahihiya at pinagbabantaan na ipag­kakalat ang kanilang personal na impormasyon online.

Inaalam pa ng NBI ang mga tunay na nagmamay-ari ng nasabing online lending app.

OLA

PAOCC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with