^

Police Metro

Tinanggal na LRTA workers nagsagawa ng rally sa harap ng SC

Mer Layson - Pang-masa
Tinanggal na LRTA workers nagsagawa ng rally sa harap ng SC
The Supreme Court building along Padre Faura Street in Manila, December 13, 2024.

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng rally kahapon ang mga tinanggal na manggagawa ng Light Rail Transit Autho­rity (LRTA) sa harap ng Supreme Court (SC) sa Maynila.

Humihingi ng “second motion for reconsi­deration”ang mga ­raliyista kaugnay ng desisyon nito na tanggihan ang hinihinging bayad ng mga empleyado.

Kinatigan ng SC noong Agosto ang desisyon ng Commission on Audit (COA) na ang mga empleyado ng dating Metro Transit Organization Inc. (MTOI) ay hindi maaaring humingi ng compensation mula sa Light Rail Transit Autho­rity (LRTA).

Ito ay dahil hindi umano na-renew ng LRTA ang operations and management agreement sa mga empleyado ng MTOI kaya’t nag­reklamo sila ng illegal dismissal at unfair labor practices, kung saan ipinag-utos ng Labor Arbiter na bayaran sila ng P208.2 milyon bilang separation pay at backwages.

Samantala, nauna nang naging desisyon ng SC na hindi maaaring managot ang LRTA dahil wala sa hurisdiksyon ng Labor Arbiter at National Labor Relations Commission (NLRC) ang LRTA.

RALLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with