Unang araw ng ‘Simbang Gabi’ generally peaceful – PNP
MANILA, Philippines — Generally peaceful ang unang araw ng Simbang Gabi sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson at information chief Brig. Gen. Jean Fajardo, wala naman nairerport na anumang untoward incident sa simula ng Simbang Gabi at inaasahang mananatiling payapa hanggang sa Pasko.
Bagama’t dinagsa ng mga Katoliko ang ilang simbahan sa bansa hindi naman nakapagtala ng anumang kaguluhan.
Gayunman, sinabi ni Fajardo na mananatili pa ring alerto ang PNP sa mga simbahan, lansangan at transport terminals lalo pa’t inaasahan na paparami nang paparami ang magsisiuwian sa kani-kanilang mga probinsiya habang papalapit ang araw ng Pasko.
Nabatid kay Fajardo na naglabas ng kautusan si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siguraduhin na sapat ang mga pulis sa mga vital installations bukod pa sa mga pulis na nagsasagawa ng foot patrol. Wala rin aniyang namomonitor pa ang PNP na anumang mga banta o gulo ngayong Kapaskuhan.
- Latest