Nanay nakikipag-sex video sa mga anak para ibenta, naaresto
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang ina dahil sa paggawa umano ng sex video kasama ang kanyang mga paslit na anak upang maipagbili sa mga dayuhang kostumer online sa Tondo, Maynila.
Kinilala ang suspek na si alyas ‘Princess’, 32, at residente ng Alvarado Extension, Tondo, habang nasagip naman ng mga otoridad ang kanyang dalawang menor de edad na anak na lalaki, na nagkakaedad lamang ng pito at 10-anyos.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), alas-6:00 ng gabi nang maaresto ang suspek sa Fermin Tubera St. sa Tondo nang pinagsanib na puwersa ng Women’s and Children Complaint Section (WCCS), District Special Operations Unit (DSOU), at Manila District Anti-Cybercrime Team (MDACT).
Ayon kay PCapt. Veronica Apresurado, hepe ng MPD-WCCS, nag-ugat ang pagkakaaresto sa suspek sa sumbong ng isang concerned citizen, na nakadiskubre sa kanyang ilegal na gawain.
Sinasabing nakikipagtalik umano ang ginang sa kanyang mga anak na paslit at ibini-video ito upang ipagbili online sa mga dayuhang kustomer.
Kaagad namang nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at dinakip ang suspek.
Batay sa mga narekober na kopya ng video ng mga pulis, makikitang iba’t ibang posisyon sa pagtatalik ang ginagawa ng mag-iina.
Depensa naman ng suspek, ito lamang ang unang pagkakataon na ginawa niya ito.
Gayunman, nang tanungin ang mga bata, inamin nilang maraming beses na silang nag-rekord ng malalaswang video.
Ang suspek ay sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 11930 o ‘The Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC)’ at ‘Anti-Child Sexual Abuse or Exploitation Materials Act’ at RA 7610 o ‘The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act’ ang suspek sa piskalya habang ang kanyang mga anak ay kasalukuyan nang nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
- Latest