^

Police Metro

Gabundok na Hamon

Lanie B. Mate - Pang-masa

Matagumpay na natapos ang taunang Junior Student Convention (JSC) ng School of Tomorrow Philippines na may theme na Conquering More Mountains sa limang venue sa bansa mula Iloilo, Cebu, Davao, Tagaytay, at Manila. Lumahok ang 1,845 na mga estudyante sa kompetisyon tulad ng mga kategoryang arts, academics, platform, music, at sports mula sa iba’t ibang eskuwelahan. Umabot ang kabuang bilang na 2,941 delegates mula coaches, guardians, magulang, staff, at ibang indibidwal na sumuporta sa mga naturang  events.

Ang JSC 2024 ay pinangunahan nina Executive Manager Matthew Bautista at Deputy Director Rev. Erich Santos na ang hangad ay sanayin ang mga kabataang mag-aaral na magkaroon ng winning attitude sa murang edad. Dahil sa bawat larangan ng anomang kompetisyon ng buhay ay hindi lahat na mapalad na nagwawagi  sa mga sinasalihang paligsahan. Ngunit itinuturo sa mga estudyante na magkaroon pa rin na buo ang loob sa pagsuporta at kasiyahan sa mga hinirang na winners ng tulad sa JSC. Hindi lamang para sa pagpapahalaga ng sportsmanship, kundi pairalin ang excellent spirit ng mga mag-aaral.

Hindi biro ang pinagdaanan ng mga estudyanteng kalahok sa JSC na halos bawat isa ay mayroong pitong events na sinalihan sa mga nabanggit na kategorya. Nakamamangha na sa  bawat isang bata ay kasali sa iba’t ibang events gaya ng creative composition, sketching, spelling, Large Ensemble, Famous Speech, Group Bible Speaking, basketball, volleyball, at iba pa. Ang challenge pa ay halos sabay-sabay rin ang mga kaganapan ng mga events, kaya matinding pressure talaga ang pinagdaanan ng mga JSCers.

Ang paalala ni Rev. Santos, hindi dapat ipagwalang bahala ang mga naumpisahang pangarap ng mga estudyante sa anomang maliit na paraan. Kahit pa sa paningin ng iba na ito ay hindi mahalaga. Sa simpleng simulain ay nahahasa ang mga estudyante na ituon ang paningin sa kanilang mga adhikain. Hindi namamalayan na ito ay nagsisilbing hudyat ng matin­ding disiplina. Bilang bahagi ng proseso ng kasanayan na harapin ang mga responsibilidad sa kabilang ng hirap. Kung sa iba ay negatibo ang pananaw sa dinaranas na kahirapan sa buhay. Itinuturing na parusa na para bang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kanyang pagsasakripisyo. Ngunit ang pagtuturo ng pagkakaroon ng excellent attitude ng isang indibidwal na kahit pa buwis buhay ang kanyang pagtatrabaho, pag-e­ensayo, at pag-aaral. Buong puso namang ginagawa ang lahat ng maluwag sa kanyang damdamin ay isang nang mala­king achievement. Hindi lamang sa mga magulang, kundi higit sa lahat sa mga anak na may winning attitude. Natutunanan ng bata na magpokus sa kanyang mga goals na may gustong marating at makatapos ang  estudyante.  Paraan ito upang mahubog sa mas mahusay na abilidad at talent ang mga kabataan o isang tao na mayroong tamang pag-uugali sa pagpapahalaga sa kanyang mga ginagawa at goals sa buhay. Kahit pa  kaliwa’t kanang hirap na dinaranas ng estudyante. Binigyan diin higit sa lahat ni Rev. Santos, ang pagkakaroon ng tunay na pagkakilala sa Panginoon ng mga mag-aaral. Dapat  unahin ay walang iba, kundi ang pagsunod sa Salita ng Diyos na magiging gabay ng ating mga kabataan sa hamon ng kanilang buhay.

Ang kompetisyon ng mga estudyante ay hindi natatapos sa JSC activities. Pagbalik sa eskuwelahan ay ang pagpokus naman sa  mga PACEs o mga takdang aralin ang kanilang haharapin. Ang hamon ni Mr. Bautista ay matutunan ng mga bata na labanan ang bundok ng pag-alinlangan sa kanilang puso.

Wala nga naman talagang indibidwal na nag-aksaya ng oras upang matalo lamang sa anomang paligsahan. Ang lahat ay naghahangad na magwagi. Lahat ng mga atleta o maging sa  ibang larangan ng propesyon ay ibinibigay ang buong oras at lakas sa pag-eensayo o pagtatrabaho. Pero hindi maiaalis ang takot o kaba na nararamdaman. Hanggang ang simpleng kabog ng dibdib ay maging kabundok na sa laki ng ating takot sa isipan na naghahadlang sa ating mga estudyante dahil sa pag-aalinlangan. Ang hamon ni Mr. Bautista ay ilagak ang ating tiwala sa Panginoon. Dahil walang ibang nakakaalam ng ating pinagdaraanan, kundi ang Diyos. Alam Niya ang ating kahinaan at lakas. Hindi pahihintulutan ng Panginoon na dumaan tayo sa anomang pagsubok na hindi natin kayang malampasan. Bagkus ay magtiwala nang lubusan sa Panginoon. Ang Kanyang pangako ay magagawa natin ang lahat sa pamamagitan sa Panginoong Hesukristo. Ang maging matapang at hindi matakot. Bagkus ay laging manindigan sa Kanyang kapangyarihan. Dahil walang problema na hindi malalampasan sa tulong ng Panginoon. Sa bawat pagpupursige na ibinibigay ang lahat ng ating makakaya o ‘best effort’ ay higit pa sa pagiging panalo. Sapagkat  natutunan na harapin ang takot at pag-aalingan sa ating isipan.

Nagpapasalamat din si Executive Director Rev. Delbert Hooge ng SOT sa magandang layunin ng JSC noon pa man. Upang mahubog ang buhay ng mga estudyanteng Pinoy sa Salita ng Diyos. Mismong si Rev. Delbert na sa edad na tatlong taong gulang pa lamang noong 1948, na unang nakara­ting sa ‘Pinas na bitbit ng kanyang  missionary na ama na si Frank Hooge. Hanggang ngayon ay ipinagpapatuloy pa rin ni Rev. Delbert ang misyon ng kanyang pamilya sa pagmamahal at pagmamalasakit sa Pilipinong kabataan na madala sa Panginoon. Upang sa mga susunod pang herasyon ang siya namang magsisilbing tapat sa ating inang bayan.

JUNIOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with