Mayor Belmonte, regional winner ng CSC Pres’l Lingkod Bayan Award
MANILA, Philippines — Bilang dedikasyon at commitment bilang isang Lingkod Bayan, nasungkit muli ni Quezon City Mayor Joy Belmonte bilang regional winner at semifinalist para sa national level ng Presidential Lingkod Bayan Award.
Si Belmonte, kasama ng kanyang tatay na si dating QC Mayor at House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte ay tumanggap ng parangal mula Civil Service Commission.
“Lubos tayong nagpapasalamat sa CSC-NCR sa pagkilalang ito na nagpapatibay na ang ating mga proyekto’t programa para sa mga QCitizens ay tunay na epektibo.This will further inspire us to continue striving for good governance and excellence in public service,” sabi ni Mayor Belmonte
Ayon sa CSC-NCR, si Belmonte ay napili dahil sa kanyang exemplary work ethic at professionalism at nagsilbing halimbawa para makamit ang tagumpay sa pagganap hinggil sa community green at environmental initiatives na kanyang pinangunahan.
Noong nagdaang taon, kinilala rin si Belmonte bilang regional winner at national semifinalist para sa Presidential Lingkod Bayan Award dahil sa commitment na protektahan at pangalagaan ang karapatan ay kapakanan ng mahihirap na mamamayan laluna ng mga kabataan at kababaihan.
Ang Quezon City ang nag-iisang LGU sa NCR na nakakuha ng home three awards makaraang ang Business Permits and Licensing Department (BPLD) Head Margie Mejia at Quezon City University (QCU) President Dr. Theresita Atienza ay kinilala bilang CSC Pag-asa Awardees.
- Latest