Nobyembre 4, idineklarang National Day of Mourning
Dahil sa mga nasalanta ni ‘Kristine’
MANILA, Philippines — Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos J rang Nobyembre 4 bilang National Day of Mourning sa mga nasalanta ng bayong Kristine.
Sa Proclamation No. 728 ng Pangulo, inaatasan nito ang lahat ng establisimyento na may bandila na ilagay ito sa half mast.
Maliban dito, hinihikayat din ang lahat na mag-alay ng panalangin para sa mga biktimang naapektuhan ng kalamidad.
Ang proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin para sa Pangulo nitong Oktubre 30.
Base sa datos na nakapaloob sa inilabas na proklamasyon, umaabot sa mahigit 1.7 milyong pamilya ang naapektuhan ng bagyong Kristine habang nasa mahigit 100 katao ang naiulat na nasawi.
- Latest