^

Police Metro

500K 4Ps beneficiaries gradweyt na sa programa sa pagtatapos ng 2024

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos 500,000 household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang inaasahang magtatapos na sa programa bago matapos ang 2024.

Ito ang inihayag ni 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce matapos napatuna­yang naging self-sufficient na ang mga ­benepisyaryo ngayon.

“Sila po ‘yung tinatawag natin na mga nakatawid na [sa kahirapan] at inaasahan natin na sila ‘yung makasasama natin sa pagputol sa walang katapusang siklo ng kahirapan,” ayon kay 4Ps Social Marketing Division Chief (DC) Marie Grace Ponce.

Aniya, may kakayahan na ang naturang benepisyaryo na tugunan ang lahat ng kanilang mga pangangailangan, magkaroon man ng krisis ay mayroon silang mapagkukunan, at hindi na sila mahihirapan na tugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak sa pag-aaral at maging sa kalusugan.

Ipinaliwanag pa nito na batay sa Republic Act (RA) 11310 o 4Ps Act, ang programa ay nagbibigay ng conditional cash transfer sa mga mahihirap sa loob ng pitong taon.

Bukod sa seven-year limit at pagiging self-sufficiency level, nakasaad sa Rule XV Section 35 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng 4Ps Law ang mga rason para sa probisyon na naglalahad na maaari ng mag-graduate ang isang benepisyaryo.

vuukle comment

DC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with