^

Police Metro

Philanthropist namahagi ng bigas at fertilizers sa 2K pamilya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namahagi ng mga de kalidad na bigas at fertilizer si businesswoman-philanthropist Virginia Rodriguez sa daan-daang magbubukid at pamilya na nakatira sa Brgy. Dapdap, Tagaytay City.

Si Rodriguez, nominado ng ATeacher partylist, ay namahagi ng tulong para sa mga kapos na kababayan at ipag-patuloy ang adbokasyang maiangat ang buhay ng mga mahihirap na Pilipino.

Dahil sa kanyang adhikain na makatulong, pinalawak pa ni Rodriguez ang kanyang mga programa sa buong Metro Manila at sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa dinaluhan nitong okasyon kung saan siya ay namahagi ng mga bigas at fertilizers sa mga mahihirap na mag-bubukid, nakipag-ugna­yan na rin si Rodriguez sa mga local officials ng Cavite, Batangas at Metro Manila para ­makapag-implementa ng mga programang pang kabuhayan.

Binigyan diin ni Rodriguez na ang mga barangay leaders ay isang “training ground” para maging tunay at matalinong liderato ng mamamayan at sumali sa pang national gover­nance.

Si Rodriguez din ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, na nakilala bilang advocacy leader sa agrikultura at agri-entrepreneurship, na may hangaring gawing moderno ang agricultural farming sa bansa.

Ipinangako rin ni Rodriguez na makiki­pagtulungan siya sa national government para sa pag-implementa ng infrastructure, healthcare, at education.

FERTILIZERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with