^

Police Metro

17 OVP officials pinatawag ng Kamara

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Labimpitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) ang ipinatatawag ng panel ng Kamara de Represen­tantes  kaugnay ng imbestigasyon sa kuwestiyonableng paggamit ng pondo ng nasabing tanggapan.

Nitong Miyerkules ay hindi sinipot ni VP Sara ang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua kaya nag-isyu ng show cause order laban sa 17 opisyal ng OVP upang magpaliwanag sa komite.

Kabilang sa mga ito ay sina Undersecretary Zuleika Lopez (Chief of Staff), Assistant Secretary Lemuel Ortonio (Assistant Chief of Staff), Rosalynne Sanchez (Director of Administrative and Financial Services), Special Disbur­sing Officer Gina Acosta, at Chief Accountant Julieta Villadelrey at iba pa.

Kung hindi makapagbigay ng katanggap-tanggap na paliwanag o muling hindi sisipot sa pagdinig, maaaring ma-cite in contempt ang mga ito at maharap sa pag-aresto at pagkakakulong.

Ang pagpapalabas ng show cause order ay bunsod ng mosyon ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, ang Vice Chairman ng panel na inaprubahan ni Chua matapos na walang tumutol.

Sa 17 opisyal ng OVP na inimbitahan, tanging si OVP spokesperson Michael Poa, na itinalaga noong Agosto 19 ang humarap sa panel, pero sinabi nito na hindi siya binigyang pahintulot ng Bise Presidente na magsalita sa ngalan ng tanggapan.

OFFICE OF THE VICE PRESIDENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with