Higit 900 QCitizen entrepreneurs, nabiyayaan ng dagdag pangkabuhayan
MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pagkakaloob ng dagdag kabuhayan sa mahigit 900 QCitizen entrepreneurs mula District 2 sa ilalim ng Pangkabuhayang QC Program ng Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO).
Sa kanyang mensahe, binigyang pagkilala ni Mayor Belmonte ang kahalagahan ng micro at small businesses sa pagpapa-unlad ng lungsod.
Pinasalamatan din ni Belmonte ang mga maliliit na negosyante dahil sa kanilang pagsusumikap na mapalago ang kabuhayan para sa kani-kanilang pamilya.
Anya, handa ang lokal na pamahalaan na magbigay ng patuloy na suporta sa mga nabanggit upang matiyak ang kanilang patuloy na pag-unlad sa pagnenegosyo.
Umaabot sa halagang P10,000 hanggang P20,000 ang dagdag puhunan na naipagkaloob sa bawat benepisyaryo ng proyekto depende sa uri ng kanilang negosyo.
Sumailalim din sa malawakang training ang mga benepisyaryo para magkaroon ng higit na kaalaman kung paano mapapalago ang negosyo.
- Latest