^

Police Metro

Sunog sa Bulacan: Mag-asawa, anak na paslit dedo

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na nakalabas ang isang mag-asawa at kanilang 8-anyos na babaeng anak matapos na makulong sa nasusunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Bulakan, Bulacan.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rogelio Solis Jr., 46; misis nitong si Kristine, 52, kapwa negosyante; at anak nilang si Maria Miyakiel Koreen, estudyante pawang residente ng nasabing lugar.

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang pamilya sa loob ng kanilang bahay nang biglang magkaroon ng sunog at hindi na nakalabas ang mga biktima.

Gawa sa kahoy at bato ang nasabing bahay at may nangungupahan na tindahan ng ebike.

Sinasabing ilang minuto ang lumipas ay nagtulong-tulong ang mga bumbero ng Bulakan at kalapit bayan kaya naapula kalaunan ang sunog.

Ayon kay FO1 Mike Santos, Arson investigator, nasa P1 milyong piso ang tinatayang ha­laga ng tinupok ng apoy.

vuukle comment

ROGELIO SOLIS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with