^

Police Metro

Garin, iba pang akusado sa Dengvaxia case, inabsuwelto

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inabsuwelto ng Que­zon City Regional Trial Court Branch 229 si da­ting Health secretary at incumbent Iloilo Rep. Janette Garin at kanyang mga kapwa akusado sa mga kasong kriminal kaugnay ng Dengvaxia vaccine dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya.

“All in all, the prose­cution evidence failed to establish a prima facie case against Demurrant Janette L. Garin and Demurrant Julius Lecciones. The evidence does not amount to proof beyond a reasonable doubt of any or all of the criminal charges against either or both of them,” sabi sa 46-pahinang desisyon na nilagdaan ni Presiding Judge Cleto Villacorta III.

Tinukoy din ng Korte na ang mga testigo na iniharap ng prosekusyon ay hindi totoong mga eksperto na kayang magbigay ng akmang opinyon kaugnay ng Dengvaxia.

Sinabi rin ng korte na walang sapat na patunay upang masabi na ang Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng walong bata na nabakunahan nito dahil mayroon na umanong ibang sakit ang mga ito bago pa man bakunahan.

Ikinatuwa naman ni Rep. Garin ang pagkakabasura sa kaso dahil patunay lamang ito na wala siyang kasalanan sa Dengvaxia case at wala siyang nilalabag na batas hinggil dito.

DENGVAXIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with