850 PDL pinalaya ng BuCor
MANILA, Philippines — Pinalaya ng Bureau of Corrections(BuCor) ang 850 persons deprived of liberty (PDL) na saklaw ng Hulyo 19 hanggang Agosto 30, 2024 kaya’t umabot na sa 15,943 ang kabuuang PDLs na napalaya sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., sa 850 na pinalaya, 146 ang may acquittal, 487 ang may expiration ng maximum sentence na may good conduct time allowance, 28 para sa expiration din maximum sentence actual, 2 sa bail bond, 1 sa cash bond, 1 na-turn over sa jail, 1 release sa recognizance, 166 nabigyan ng parole at 18 ang nabigyan ng probation.
Ang mga pinalaya ay mula sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City (46), CIW Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) (1), CIW -Mindanao (4), Davao Prison and Penal Farm (135), Iwahig Prison at Penal Farm (49) Leyte Regional Prison (45), New Bilibid Prison (NBP) Maximum Security Camp (199), NBP Medium Security Camp (169), NBP Minimum Security Camp (39), NBP Reception and Diagnostic Center (22), Sablayan Prison and Penal Farm (76) at San Ramon Prison and Penal Farm (65).
- Latest