^

Police Metro

11 baboy naharang sa delivery truck, positibo sa ASF

Angie dela Cruz - Pang-masa
11 baboy naharang sa delivery truck, positibo sa ASF
Mahigpit na pinatutupad ng mga barangay opisyal sa Laurel, Batangas ang pagpasok ng trak na may kargang mga baboy mula sa labas ng kanilang bayan. Layunin nito ay upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Labing-isang baboy na karga ng isa sa dalawang truck na naharang sa livestock checkpoints sa Quezon City at Valenzuela City nitong weekend ang nagpositibo sa African Swine Fever (ASF).

Ito ang kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) nang masuri ang 11 baboy na nakitaan agad ng ASF infection bago pa isagawa ang blood test.

Agad na pinatay ang mga ito at ibinaon sa central burial site bilang bahagi ng disease containment measures.

Habang ang nasa 38 baboy naman na mula sa isang truck ay nagnegatibo sa ASF kaya pinahintulutan ng BAI ang pagkatay sa mga ito.

Nananatiling naka-heightened surveillance ang BAI para mapigilan ang pagpasok ng mga infected na baboy sa Metro Manila.

Hinikayat naman ng DA ang mga hog tra­ders at transporters na sumunod sa mga regulasyon nang maiwasan ang pagkalat lalo ng ASF.

AFRICAN SWINE FEVER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with