NKTI dagsa ng mga leptospirosis patient
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na dagsa na ang mga pasyenteng may lepstospirosis sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) sa Quezon City.
Kung kaya’t nagpasya na silang i-activate ang kailang surge capacity plan sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay DOH Asec. Albert Domingo, patuloy na pagtaas ang kaso ng leptospirosis sa bansa na kabilang sa sintomas ay lagnat, masakit na katawan, naninilaw ang mata at nagbago ang kulay ng dumi at ihi.
Lumilitaw sa datos ng DOH mula Enero hanggang Juy 27 ngayong taon,umabot na sa 1,444 ang tinamaan ng leptospirosis sa bansa.
Paalala ni Domingo matagal ang incubation period ng nasabing sakit kung saan kahit maraming araw na ang lumipas matapos na lumusong sa baha ay maaari pa ring lumabas ang mga sintomas ng leptospirosis.
Ang pagtaas ng leptospirosis case ay kasunod ng pananalasa ng Bagyong Carina at habagat na nagdulot ng malalakas na pag-ulan at pagbaha.
Samantala, sinabi ng San Lazaro Hospital na kapos na ng gamot at kulang din sila ng nurses dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng na-admit hanggang nitong Sabado.
Nasa 57 na ang kabuuan, matapos madagdagan pa sa buong magdamag ng Sabado ng 23 pasyenteng tinamaan din ng leptospirosis.
Ang mga pasyente ay nagmula sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
- Latest