^

Police Metro

PNP bumili ng P553 milyong sasakyan, machine gun

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaabot sa mahigit P553 milyong halaga ng mga sasakyan at machine gun ang nadagdag sa mga asset ng Philippine National Police (PNP).

Ininspeksyon kahapon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasama si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr., sa mga bagong binili na kagamitan sa pagdiriwang ng 123rd Police Service Anniversary sa Camp Crame, Quezon City.

Ayon sa PNP, kabilang sa mga bagong asset na inspeksyon ng Pangulo ay ang 20 units ng personnel carrier, 299 units ng light motorcycle, 193 units ng light transport vehicle, 75 units ng patrol jeep single cab at 155 units ng light machine gun.

Ang mga halaga ng mga bagong asset ng PNP ay ang mga sumusunod: 20 units ng Personnel Carrier 4×4 na nagkakahalaga ng P42,440,000; 299 units ng Light Motorcycle 150cc-Dirt Bike na nagkakahalaga ng P42,727,100; 193 units ng Light Transport Vehicle (Marked) na nagkakahalaga ng P271,165,000; 75 units ng Patrol Jeep Single Cab 4×2 na nagkakahalaga ng P92,475,000; 155 unit ng 5.56mm Light Machine Gun na nagkakahalaga ng 104,535,720.

Nakuha ang mga bagong asset ng PNP gamit ang Capability Enhancement Program (CEP) funds noong 2022, 2023, at 2024.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with