^

Police Metro

Mga lumubog na oil tanker sa Bataan, posibleng sangkot sa ‘paihi’

Joy Cantos - Pang-masa
Mga lumubog na oil tanker sa Bataan, posibleng sangkot sa âpaihiâ
Personnel from the Philippine Coast Guard (PCG) lay down oil spill booms in preparation for recovery and siphoning operations following the sinking of MT Terranova in the waters off Limay, Bataan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hiniling ni ACT-CIS Representative at Deputy Majority Floor Leader Erwin Tulfo sa Department of Justice (DOJ) na silipin din ang anggulo na ang mga lumubog na oil tanker noong kasagsagan ng bagyong Carina at Habagat ay maaaring sangkot sa “paihi” ng langis.

Anya, maging si Justice Secretary Crispin Remulla ay naniniwala umano na magkakasama ang tatlong lumubog na barko sa isang iligal na gawain.

Matatandaan na magkasunod na lumubog ang motor tankers na MT Terranova at MT Jayson Bradley sa Limay at Mariveles, Bataan noong kasagsagan ng Habagat noong Hulyo.

Pagkalipas ng ilang araw ang MV Mirola 1 naman sumadsad sa Mariveles, Bataan.

Ani Remulla, hindi umano aksidente kundi krimen ang nagawa ng mga nasabing kumpanya ng barko matapos itong makipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard.

Ayon pa kay Cong. Tulfo, “matagal ng gawain itong “paihi” sa lugar na ‘yan para makaiwas sa pagbabayad ng buwis sa Bureau of Customs (BOC) ang ilang tusong oil importers “.

Ayon pa kay Cong.Tulfo na kung mapatunayan ng mga otoridad na iligal ang kanilang lakad ng lumubog ang mga barko ay dapat na kasuhan at ikulong.

OIL LEAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with