^

Police Metro

Go: Ex-President Duterte ‘alive and eating’

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan ni Sen. Christopher “Bong” Go ang panibagong ‘fake news’ tungkol sa kalagayan ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Muling kumalat ang mga post sa social media na nagdulot ng espekulasyon sa kalagayan ni dating pangulo.

Nag-post si Go ng mga larawan ng dating pangulo na kumakain ng prutas sa kanyang tirahan sa Davao City kasama ang kanyang partner na si Honeylet Avanceña sa dining area.

“Alive and eating!” ani Go sa kanyang post.

Napaulat na noong nakaraang buwan, nagpakita rin si Duterte sa Facebook Live ni Go sa gitna ng mga video na kumakalat sa mga social media na namatay ang dating pangulo.

Sinabi ni Duterte na nananatili lang siya sa bahay at nagpapahinga, dahil nagretiro na siya sa pulitika.

Matatandaan na inihayag ni Vice President Sara Duterte na tatakbo sa Senado ang kanyang ama at dalawang kapatid pero pinabulaanan ito ng dating pangulo.

vuukle comment

FAKE NEWS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with