^

Police Metro

Detention facility ni Guo at pamilya sa Senado, handa na

Malou Escudero - Pang-masa
Detention facility ni Guo at pamilya sa Senado, handa na
Ipinakita kahapon sa media ni retired Army Lt. Gen. Roberto Ancan, Senate Sargeant-At-Arms, ang senate detention facility ni suspended Bamban Mayor Alice Guo, at kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang pagkukulungan ng Senado para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo at mga miyembro ng kanyang pamilya sakaling maaresto na ang mga ito.

Ipinakita sa media kahapon ni Ret. Lt. Gen. Roberto Ancan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) ang pasilidad na bagaman at nasa loob ng compound ng Senado ay nakahiwalay naman sa Senate building.

Ang detention facility ay nasa tabi ng opisina ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng compound ng Senado.

Sakaling mangyari ang pag-aresto kay Guo at ng kanyang pamilya, ito ang unang pagkakataon na gagamitin ang kwarto mula noong na-refurbished ito noong 2023.

Ang silid ay may apat na double bunk bed, naka-air condition, may lababo at banyo.

Ayon kay Ancan, si Guo at ang kanyang pamilya ay bibigyan ng kama at unan, ngunit kung mas gusto nilang magdala ng sarili nila, hindi ito magiging problema. Ang mga pagkain ay sasagutin din ng Senado.

Bukod kay Guo, pinaaaresto rin ang mga mi­yembro ng kanyang pamilya na sina Sheila Guo, Wesley Leal Guo, Jian Zhong Guo, Seimen Guo at ang kanyang pinaghihinalaang ina na si Wen Yi Lin.

Tiniyak din ni Ancan na mapapangalagaan ang seguridad ni Guo at pamilya nito.

vuukle comment

ALICE GUO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with