^

Police Metro

2 lalaki pumalag sa arrest warrant, napatay

Mer Layson - Pang-masa

4 pulis nasugatan…

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang dalawang lalaking miyembro ng notoryosong Alcantara Criminal Group habang sugatan naman ang apat na pulis-Maynila matapos na mauwi sa engkwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest, naganap kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang mga nasawi na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na sina Archie Juco, alyas RJ; at isang alyas MacMac.

Nasugatan naman sina PHCol John Guiagui; PMaj Emmark Dave Apostol; PMSg Julius Omolon; at PCpl Keith Paul Valdez.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bago naganap ang insidente, alas -10:40 ng gabi sa 2648 Pinoy St. Brgy. 145, Zone 12, Balut, Tondo ay tinungo ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), District Intelligence and Operation Unit, Special Weapon and Tactics at Police Station 1, ang bahay ni Juco para isilbi ang arrest warrant na inisyu ni Manila RTC Presiding Judge Cirile Maduro Foja, ng Branch 6 para sa kasong murder.

Nang makita ng nobya ni Juco, ang pagdating ng mga pulis ay nagtatakbo sa bahay at isinara ang pintuan at sinabihan ang huli na tumakas.

Hinabol ng mga pulis ang mga suspek ngunit sinalubong sila ng putok ng baril at tinamaan ang apat na pulis kaya’t gumanti ng putok at tinamaan sina Juco at Macmac na namatay noon din.

Inaresto naman ng mga pulis ang nobya ni Juco dahil sa tangkang paghadlang sa pag-aresto.

Ayon sa mga pulis, si Juco ay sangkot sa ilang kaso ng pagpatay sa Maynila, gayundin sa carnapping, illegal drugs at gun for hire.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with