Durham gusto rin ng PBA title
MANILA, Philippines — Nakamit ng Meralco ang kauna-unahang PBA championship matapos pagharian ang nakaraang Season 48 Philippine Cup laban sa San Miguel.
Ito rin ang pangarap ni one-time PBA Best Import Allen Durham sa kanyang muling paglalaro para sa Bolts sa parating na PBA Season 49 Governor’s Cup sa Agosto 18.
“I was excited for the guys. I was happy for the guys and watching the games over here and there,” ani Durham. “I’m so happy that they got over the hump and now, everybody knows what it takes.”
Hindi pa nananalo si Durham at ang Meralco kay Justin Brownlee at sa Barangay Ginebra sa apat nilang pagtutuos sa PBA Finals.
Bukod kina Durham at Brownlee, ang iba pang imports na paparada sa torneo ay sina Glenn Robinson III (Magnolia), Tauras Jog?la (San Miguel), Darius Days (TNT Tropang Giga), Aaron Fuller (Rain or Shine), Jayveous McKinnis (Phoenix), Ricky Ledo (Blackwater), Scotty Hopson (Converge), Brandon Edwards (Terrafirma), Myke Henry (NLEX) at Taylor Johns (NorthPort).
Sa mga bagong imports ay si Robinson ang impresibo ang kredensyal sa paglalaro nito sa NBA para sa Minnesota Timberwolves, Philadelphia 76ers, Indiana Pacers, Detroit Pistons, Golden State Warriors at Sacramento Kings.
- Latest