^

Police Metro

PAGCOR kinansela ang 1 pang IGL license

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuluy-tuloy ang isinasagawang paglilinis sa hanay ng kanilang mga Internet Gaming Licensees (IGLs), na da­ting kilala sa tawag na POGOS, upang masugpo ang mga iregularidad at mga criminal activities.

Ito ang tiniyak kahapon ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman at CEO Alejandro Tengco, mula sa dating orihinal na 46 kumpanya, na nabigyan ng lisensiya sa ilalim ng kanyang administrasyon noong nakaraang taon, ay naging 42 na lamang ang aktibong licensees sa ngayon matapos na kanselahin ang lisensiya ng isa pa noong nakaraang linggo, at suspindihin naman ang tatlong iba pa.

Nabatid na ang bawat IGL ay nagbaba­yad ng guarantee fee na US$100,000 kada buwan o 2% ng kanilang gross gaming revenues, alinman ang mas malaki.

Nagbabayad din sila sa pagitan ng US$25,000 at US$100,000 buwan-buwan bilang administrative fees, depende sa laki ng kanilang operasyon.

Bukod sa IGLs, sinabi ni Tengco na ang PAGCOR ay nag-isyu na rin ng permits sa 20 Service Providers at 14 permits para sa Special Classes ng BPOs.

Ang mga service providers ay pinagbabayad ng US$85,000 monthly, habang ang mga Special Class BPOs ay nagbaba­yad naman ng US$10,000 kada buwan.

Aniya, karamihan sa mga anomalya noon ay natunton mula sa mga service providers. Noong 2019, sa kasagsagan ng mga legal POGO operations, nakakolekta ang PAGCOR ng P7.9 bilyon mula sa kanilang mga licensees habang noong 2023, matapos na mabawasan ang bilang ng mga IGLs at service providers, nagawa pa rin umanong makakolekta ng state gaming firm ng P5.2 bilyon.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with