^

Police Metro

8K benepisyaryo sa Leyte nabigyan ng ayuda

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang programa ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang dinala sa Leyte para bigyan ng tig-P5,000 halaga ng financial assistance at bigas ang 8,000 na mga benepisyaryo.

Pinangunahan ni Speaker Romualdez, ang kinatawan ng Leyte, ang distribusyon ng tulong mula sa Cash and Rice Distribution (CARD) Program at Integrated Scholarship and Incentives for the Youth (ISIP for the Youth) Program sa magkahiwalay na event sa Leyte.

“Tuloy-tuloy po ang ating tulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng ayuda mula sa vulne­rable sectors at sa ating mga college students. Kayo po ang ibinilin ng ­ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Kongreso na tulungan at siguruhin ang kapakanan sa panahong ito,” ani Romualdez.

Ang pamimigay ng tulong mula CARD at ISIP Program ay kalimitang isinasabay sa pag­lulungsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) kung saan milyun-milyong ayuda ang ipinamimigay.

Para sa CARD prog­ram, kabuuang 5,000 kuwalipikadong benepisyaryo mula sa Leyte ang nakatanggap ng tig-P5,000 financial aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program ng DSWD.

Nakatanggap din ang mga ito ng tig-P20 kilo ng bigas sa simpleng sere­monya na na isinagawa sa Tacloban Astrodome sa Tacloban City.

Ang CARD ay isang rebolusyunaryong prog­rama na inisyatiba ni Speaker Romualdez upang matulungan ang mga bulnerableng sektor gaya ng mga mahihirap na se­nior citizen, PWD, single p­rents, indigenous peoples at iba pa.

AYUDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with