^

Police Metro

Libreng toll fee sa Cavitex, sa buong Hulyo

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Simula sa buwan ng Hulyo ay ipapatupad ang libreng toll sa mga moto­rista na dadaan sa Manila Cavite Toll Expressway.

Ginawa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.ang anunsiyo sa groundbreaking ng Cavitex-Calax link at Cavitex C5 Link Segment 3B at inagurasyon ng pagbubukas ng Cavitex C5 link Sucat interchange.

Ito ay matapos irekomenda ng Philippine Reclamation Authority na nagsisilbing operator ng Cavitex na gawing libre ang paggamit sa kalsada sa buong buwan ng Hul­yo sa lahat ng klase ng sasakyan.

Ayon sa Pangulo, bunga ang proyekto ng Private-Public Partnership projects ng PRA, Cavitex Infrastructure Corporation at Metro Pacific Tollways Corporation.

Tinataya naman na nasa 23,000 na motorista ang makikinabang araw-araw sa bagong kalsada.

vuukle comment

CAVITEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with