Extradition hearing ni Teves sa Timor Leste, tapos na
MANILA, Philippines — Natapos na umano ang extradition hearing ni dating Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves, Jr. sa Timor Leste at inaasahan ang paborableng desisyon para sa pagpapabalik sa bansa.
Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Justice (DOJ) na ang Timor Leste Central Authority at kampo ni Teves ay binigyan ng panahon na magsumite ng kani-kanilang Memorandum/Position Papers na nagsasaad ng kanilang mga argumento at posisyon.
Kailangang maunang maghain ng Memorandum/Position papers ang panig ng Timor Leste Central Authority at susundan ng pagsusumite rin ng kampo ng Teves.
Pagkatapos na makapaghain ang magkabilang kampo, may 5 araw naman ang Court of Appeals ng Timor Leste para maglabas ng desisyon nito. Inaasahan ang desisyon bago ang katapusan ng Hunyo.
Naniniwala ang DOJ na papabor ang Court of Appeals ng Timor Leste partikular na ang mga testigo ng DOJ ay epektibong nalabanan ang mga argumento na inihain ng kampo ng Teves.
- Latest