^

Police Metro

Bagong laya na walang mauwian, nang-hostage

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 28-anyos na lalaki na bagong laya sa kulungan ang pumasok sa isang bahay at nang-hostage ng 64-anyos na lalaki  habang armado ng baril, sa Parañaque City, kama­kalawa ng umaga.

Sa ulat ni Parañaque City Police Station chief, P/Colonel Melvin Mon­tante kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director, P/Major General Jose Melencio Nartatez, kinilala ang suspek na si Elias Naraiso, residente ng Caloocan City.

Hindi naman nasaktan ang biktimang si alyas “Frank”, residente ng Barangay San Antonio, Parañaque City na dinala pa rin sa Parañaque Hospital.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang hostage taking, alas-8:50 ng umaga  sa loob ng bahay ng biktima ay duma­ting sa lugar ang suspek kausap ang isang Melvin Pontillas at Ramon Ebrada at humingi ng pabor kung maaari itong tumira sa kanilang bahay dahil kalalabas lang nito sa kulungan, na tinanggihan ng mga kausap.

Umalis ang suspek at nagtungo sa katabing lugar at pumasok sa bahay ng biktima na natutulog.

Nang makita ng anak ng biktima na naghahalungkat ang suspek ng mga gamit ay tinanong, subalit hindi sumagot ang suspek.

Nang makita na may kinuhang baril sa dalang bag ay tumakbo palabas ang anak ng biktima at nagsumbong sa barangay.

 Rumesponde ang mga tanod at nakakasakop na pulis at kinordon ang lugar at alas-2:00 ng hapon sa tuluy-tuloy na negosasyon hanggang kusang sumuko na ang suspek.

HOSTAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with