^

Police Metro

Tatay inaresto sa pagmolestiya sa anak na menor

Angie dela Cruz - Pang-masa
Tatay inaresto sa pagmolestiya sa anak na menor
Ayon sa mga operatiba ng NBI-VAWCD, inaresto ang subject habang papalabas ng motel na kinasuhan ng mga paglabag sa Republic Act (RA) 8353, ang Anti-Rape Law, at RA 9262, ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Image by Gerd Altmann from Pixabay

Ipinasok sa hotel

MANILA, Philippines — Isang tatay sa Bulacan ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa umano’y pangmomolestya sa sarili niyang menor-de-edad na anak na babae.

Itinago ng NBI ang pangalan ng suspek na nahuli ng mga operatiba ng Violence Against Women and Children Division (NBI-VAWCD) noong Abril 18 sa isang motel sa Norzagaray, Bulacan kung saan sila tumuloy ng kanyang anak.

Ayon sa mga operatiba ng NBI-VAWCD, inaresto ang subject habang papalabas ng motel na kinasuhan ng mga paglabag sa Republic Act (RA) 8353, ang Anti-Rape Law, at RA 9262, ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Sinabi ng NBI na nagsagawa sila ng operasyon batay sa reklamong inihain ng ina ng biktima.

Sinabi ng ina na inabandona siya ng kanyang asawa noong tatlong buwan pa lamang ang kanyang anak.

Habang nakatira ang kanyang asawa sa kanyang live-in partner ay pinayagan niya ang kanilang anak na babae na manatili sa kanya noong Oktubre 15, 2023 at Marso 14, 2024.

“Sa pamamagitan ng impormasyon na ibi­nigay ng live-in partner ng subject, nadiskubre ng complainant ang sekswal na relasyon ng biktima at subject na umupa ng  apartment para makasama niya ang biktima.

Napatunayan ang ang mga paratang sa pamamagitan ng mga naitalang tawag sa telepono at pagpasok ng suspek sa kanyang live-in partner.

Nang humingi ng tulong sa NBI ang ina ay sinundan ng mga opera­tiba ng NBI-VAWCD ang suspek at anak nito matapos malaman na magkikita sila sa Cubao, Quezon City.

Nabatid na ang suspek at ang kanyang anak na babae ay bumiyahe sa Norzagaray kung saan sila nag-check in sa isang motel kung saan naghihintay ng pagkakataon ang mga operatiba ng NBI na maaresto ang lalaki.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with