^

Police Metro

19 sasakyan nasunog sa NAIA Terminal 3, parking lot

Ludy Bermudo - Pang-masa
19 sasakyan nasunog sa NAIA Terminal 3, parking lot
Ang mga nasunog na sasakyan sa open parking space ng NAIA Terminal 3 kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Umaabot sa 19 nakaparadang sasakyan sa parking extension ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang nasunog habang nakabilad sa gitna ng matinding sikat ng araw, kahapon ng hapon. Ayon kay Fire Inspector Jaime Cera, ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, ala-1:35 ng hapon nang magsimula ang sunog at idineklarang fire-out alas-2:03 ng hapon.

Grassfire ang nakitang sanhi ng sunog, dahil sa mga tuyong damo sa open parking na umapoy at nadamay ang mga nakahilerang sasakyan.

Malakas umano ang hangin kaya lumakas ang apoy na kumapit sa mga sasakyan. Hindi naman naapektuhan ang operas­yon ng NAIA dahil malayo naman ang rampa sa open space parking extension.

Ayon kay Insp. Cera, may iba pang fire truck na tumulong sa pag-apula ng apoy.

vuukle comment

FIRE

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with