^

Police Metro

7K pulis idedeploy sa tigil-pasada

Ludy Bermudo, Doris Franche-Borja - Pang-masa
7K pulis idedeploy sa tigil-pasada
Ang nasabing puwersa ng pulisya ay idedeploy sa Metro Manila upang matiyak na maayos ang isasagawang protesta ng dalawang transport groups sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa Mendiola gayundin ang seguridad ng mga commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.
STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ngayong araw ay ide­deploy ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PMaj. Gen. Jose Melencio Nartatez, Jr., ang nasa 7,000 pulis para ipan­tapat sa isasagawang rally nga­yon at bukas ng grupong Manibela at Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON).

Ang nasabing puwersa ng pulisya ay idedeploy sa Metro Manila upang matiyak na maayos ang isasagawang protesta ng dalawang transport groups sa tanggapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at sa Mendiola gayundin ang seguridad ng mga commuters na maaapektuhan ng tigil-pasada.

Pakiusap naman ni Nartatez sa mga transport group, gawing maayos at payapa ang protesta at huwag iharass ang mga PUVs na papasada.

Nabatid naman sa PISTON at Manibela na si­mula alas-9:00 ng umaga ay ipakikita na nila ang kawalan ng mga PUVs upang simulan ang kanilang protesta sa harap ng tanggapan ng LTFRB bandang ala-1:00 ng tanghali at alas-3 naman ng hapon sa Mendiola.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with