^

Police Metro

Trader pinagnakawan, tinodas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang katawan ang isang negosyante nang pasukin ng tatlong magnanakaw at tangayin ang nasa P1.8 milyon halaga ng pera, alahas at mga kaga­mitan naganap kamakalawa sa Brgy. Burol Main, Dasmariñas City, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si alyas Wil, nasa hustong gulang, residente ng Chester Place Subdivision, Brgy. Burol-Main, Dasmariñas City, Cavite, kilalang negosyante sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, alas- 2:40 ng madaling araw ay dumating ang biktima sakay ng kanyang sasakyan na Toyota Hilux Conquest 2020 (DAT 1211).

Papasok na sa kanyang bahay para magparada nang sunggaban ng tatlong suspek at sumakay sa sasakyan ng biktima bago sinabihan na ituloy ang pagpasok ng bahay.

Nang makapasok sa loob ng bahay ang mga suspek ay iginapos ang biktima at misis nitong si  alyas Annie.

Nilimas ng mga suspek ang pera, alahas at mahahalagang gamit sa loob ng bahay, alahas at pera na umaabot sa P1,800,000.00

Bago tumakas ang mga suspek ay inatado ng saksak ang biktima.

Agad namang humingi ng tulong ang Misis nito at dinala sa pagamutan ang biktima, subalit idineklarang dead on arrival.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with