^

Police Metro

Romualdez, atbp opisyal nakakuha ng mataas na trust at approval ratings - RPMD

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ay nakakuha si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa survey na ginanap noong Marso 18-23, 2024 ng impresibong 75% na trust ratings habang 72% naman ang kanyang nakuhang top performance ratings.

Nabatid na nakakuha si Romualdez ng pinakamataas na 80.1% na “trust” at 78.1% “approval” ratings sa Visayas.

Ang nakuha naman niyang suporta ay nag-iiba-iba sa iba’t ibang rehiyon, na nagpapahiwatig din ng mataas na “trust” at “performance satisfaction”.

Sa naturang survey na ang House of Representatives sa kanyang pamumuno ay nakatanggap din ng mataas na papuri dahil sa 78% “trust” at 75% “job satisfaction” ratings. Nakakuha rin si Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng “trust” 79% at “approval” 76% habang si Vice President Sara Duterte ay 77% “trust” at 74% “approval”. Si Senate President Migz Zubiri ay 73% “trust ratings” at 70% “job performance ratings”.

Ang survey ng “Boses ng Bayan” ng RPMD ay nakatuon sa isang magkakaiba at pambansang representatibong sample ng 10,000 may sapat na gulang mula sa mahigit 67.75 milyong rehistradong botante at gumamit ng mahigpit na metodolohiya upang matiyak ang isang margin ng error sa +/-1% at isang 95% na antas ng kumpiyansa na mahalagang mapagkukunan para sa pag-unawa sa kasalukuyang klima ng politika.

vuukle comment

FERDINAND MARTIN ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with