Suspensyon ng face to face classes sa matinding init aprub sa DepEd
MANILA, Philippines — Iginiit kahapon ng Department of Education na maaaring suspendihin ang face-to-face classes sa mga lokalidad na apektado ng matinding init dulot ng tag-init at ng El Niño phenomenon.
Ayon kay DepEd Assistant Secretary at Deputy Spokesperson Francis Bringas, noong nakaraang taon ay nagkaroon na rin ng ganitong pangyayari at naglabas na rin sila ng direktiba sa mga field offices na maaaring magsuspinde ng face-to-face classes kung talagang labis ang init ng panahon.
Naungkat ang isyu matapos mag-anunsiyo si Bacolod Mayor Albee Benitez ng suspensiyon ng face-to-face classes sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan, gayundin sa mga unibersidad sa kanilang lugar, kasunod ng forecast ng PAGASA na nagkaroon ng mataas na heat index nitong Marso 11, Lunes, at Marso 12, Martes.
“Otomatikong lumilipat sa modular distance learning sakaling nagkakaroon ng suspensyon ng face-to-face classes,” ani Bringas.
Maaaring mag-anunsyo ang local government officials at school heads ng suspensyon ng face-to-face classes batay sa PAGASA heat index forecast, anang opisyal.
- Latest