Police major na pangunahing suspek sa Camilon case, ‘no show’ sa Senado
MANILA, Philippines — Hindi dumalo sa pagdinig sa Senado ang police major na pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.
Sa liham na ipinadala sa joint hearing ng Senate Committee on Public Order at Senate Committee on Justice and Human Rights, humingi ng paumanhin at idinahilan ni Major Allan de Castro na hindi niya maiwanan ang kanyang walong buwang buntis na asawa na may iniindang sakit sa katawan.
“My wife is 8 months pregnant and is currently having immense pains. I am personally attending to her and our incoming child as I am of the impression that there is a great risk on both my wife and my child who is still in her womb,” sabi sa liham ni De Castro.
Nangako naman si De Castro na dadalo siya sa susunod na pagdinig sa oras maayos na ang kalusugan ng kanyang asawa at ligtas na sa anumang panganib. Ipinadala din niya pruweba ng medical condition ng kanyang asawa.
Si De Castro, ang kanyang driver-bodyguard na si Jeffrey Magpantay, at dalawang iba pa, ay kinasuhan ng kidnapping and serious illegal detention kaugnay ng pagkawala ni Camilon noong Oktubre 12 sa Lemery, Batangas. -
- Latest