Floating barriers sa Bajo de Masinloc, tinanggal na ng Chinese Coast Guard
MANILA, Philippines — Tinanggal na ng Chinese Coast Guard ang inilagay na floating barriers sa Bajo de Masinloc.
Ito ang iniulat ni Philippine Coast Guard, spokesperson Commodore Jay Tarriela na noong Huwebes, nakita sa satellite images ang inilagay ng CCG na floating barriers ngunit naalis ito nang magbigay ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng suplay sa mga mangingisdang Pilipino sa lugar.
Kinumpirma rin ni National Security Council Assistang Director General Jonathan Malaya na inalis na ng CCG ang floating barriers.
Siniguro naman ni Malaya ang patuloy na pagpapalakas ng presensya ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc at iba pang bahagi ng karagatan na sakop ng bansa matapos na ipag-utos ni pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Nilinaw naman niya na hindi lamang sa Bajo de Masinloc namamahagi ng tulong ang pamahalaan kundi sa iba pang mga mangingisda na namamalakaya sa ibang bahagi ng exclusive economic zone o (EEZ) ng bansa.
- Latest