Duterte hinamon si Bongbong na magpa-drug test
MANILA, Philippines — Hinamon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sumailalim sa drug test sa publiko upang patunayan na hindi siya gumagamit ng droga.
“Set it in Luneta Park, magpakuha siya ng dugo doon [from] independent entity or doctor. Magpakuha rin ako, sige pati ako. Pakuha siya ng blood test,” ani Duterte sa isang press briefing sa Davao City.
Aniya pa, na kapag nakuha umano niya ang listahan ng PDEA na nagpapakita na kasama umano sa drug watchlist nila si PBBM ay isasapubliko niya ito.
Nauna nang iginiit ng PDEA na kailanman ay wala sa listahan nila si PBBM.
Pinagtawanan lang ni Marcos ang akusasyon, sinabing ito ay maaaring epekto ng fentanyl, isang droga na inamin ni Duterte na kinuha sa kanyang termino bilang pangulo.
- Latest