^

Police Metro

Babaeng rider sumalpok sa poste ng ilaw sa flyover, utas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay agad ang isang babaeng naka-motorsiklo nang mabagok ang ulo sa pagtilapon nang bumangga sa gutter at poste sa Buendia Flyover, Makati City, kamakalawa.

Idineklarang patay ni Dr. Dememar Jill Payot ng Makati Search and Rescue Ambulance, ang biktimang si alyas Rochelle, 24, empleyado at  residente ng Pembo, Taguig City.

Sa ulat ng Vehicular Traffic Investigation Unit ng Makati Traffic Bureau, alas-5:30 ng umaga ng Hunyo 30, nang mangyari ang self-accident sa pakurbang bahagi ng EDSA Buendia-Kalayaan Flyover eastbound lane, bahagi ng Brgy. Pinagkaisahan, Makati.

Nabatid na galing sa Sen. Gil Puyat Avenue patungo sa Bonifacio Global City (BGC) ang biktima na nagmamaneho ng Yamaha Areox.

Nang gumilid umano ito sa kaliwang bahagi ng eastbound lane ay nawalan na ng control at nasadsad sa sementadong gutter na lalo pang nawalan ng control at binangga pa ang bakal na street light.

Dahil sa impact ay tumilapon sa kalye ang biktima, nabagok at tumama ang ulo sa sementadong kalye, at tumalsik din ng ilang metro ang suot na helmet.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with