80K residente ng Zambales City naayudahan ng P500 milyon
MANILA, Philippines — Nagkakahalaga ng mahigit P500 milyon ang tulong pinansyal, pangkabuhayan, scholarship, at iba pang serbisyo publiko ang naiparating ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa dalawang araw na event nitong Sabado at Linggo sa Zambales City.
Kaya’t naging isang malaking tagumpay ang paghahatid ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ng mga serbisyo at tulong pinansyal ng administrasyong Marcos, kabilang ang libreng bigas, ayuda sa mga magsasaka, at scholarship sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa 80,000 residente ng Zambales nitong Sabado at Linggo.
Nasa 3,000 ang benepisyaryo ng Cash and Rice Distribution (CARD) Program. Nakatanggap ang mga ito ng P950 halaga ng bigas at P1,050 cash na pambili ng iba pang pagkain.
Nasa 3,000 magsasaka rin ang nabigyan ng tulong pinansyal sa ilalim ng Farmers Assistance for Recovery and Modernization (FARM) ng administrasyong Marcos.
Umabot naman sa 4,000 estudyante sa Zambales ang nakatanggap ng tulong pinansyal at scholarship sa ilalim ng Integrated Scholarships and Incentives Program (ISIP).
Ayon kay Speaker Romualdez, pagtupad sa pangako ni Pangulong Marcos ang pagkakaloob ng tulong at ayuda sa mga Pilipino.
- Latest