^

Police Metro

Lanao del Sur encounter: 9 terorista todas, 6 pa sugatan

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa
Lanao del Sur encounter: 9 terorista todas, 6 pa sugatan
Map shows Lanao del Sur.
Philstar.com

MANILA, Philippines — Patay ang 9 na kasapi ng teroristang grupong Dawlah Islamiyah-Maute habang anim ang sugatan kabilang ang apat na sundalo matapos silang magkaengkuwentro sa Brgy. Tapurog, Piagapo, Lanao del Sur nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga napaslang sa mga alyas na Omar, Mikdad, Imam, Abdullah, Muhajeer, Hamza, Mauwiyah, Mohaimen at Saumay Saiden o mas kilala sa mga tawag na “Ustadz Omar” o “Abu Omar”, na isa sa apat na pangunahing suspek sa pagpapasabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) noong Disyembre 2023.

Nilalapatan naman ng lunas sa ospital ang mga sugatan na ‘di pa tinukoy ang pagkakakilanlan.

Sa naantalang ulat, nakasagupa ng 103rd Infantry Brigade, 1st Division Brigade ng Philippine Army ang nasa 15 terorista sa Brgy. Tapurog, Piagapo  na pinangu­ngunahan nina alias” Mahater” , alias “Engineer”, alias “Omar” at alias “Khatab”, na sinasabing responsable sa MSU bombing na ikinasawi ng  apat katao ng nakaliaps na buwan.

Sinabi ni Brig. Gen. Yegor Rey Baroquillo Jr., commander ng 103rd IB, na naganap ang dalawang oras na sagupaan sa operasyong inilunsad ng 7th Company ng 3rd Scout Ranger Battalion makaraang maispatan ang kanilang presensya sa nasabing lugar. Nare­kober ng militar ang walong matataas na kalibre ng baril sa encounter site.

Inilagay na ang Lanao del Norte, Lanao del Sur at mga karatig-lugar sa heightened red alert kasunod ng nasabing engkuwentro.

vuukle comment

LANAO

MSU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with