^

Police Metro

Senglot naligo sa ilog Pasig, nalunod

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay na nang matagpuan ang 33-anyos na nalunod sa ilog Pasig matapos itong tumalon para maligo habang la­sing, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Pava, binata, construction worker ng Sitio Labahan Looban, Brgy. San Isidro, Angono, Rizal.

Sa ulat ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, alas-9:45 ng gabi nang marekober ang labi ni Pava sa ilog Pasig malapit sa sea wall ng Binondo-Intramuros Bridge.

Lumalabas sa imbestigasyon na lasing ang biktima matapos silang mag-inuman ng katrabaho sa gilid ng ilog nang magpasya itong tumalon para maligo, alas-7:30 ng gabi.

Sa  kabila na ito ay ina­awat dahil sa kalasingan ay hindi ito napigilang  tumalon sa ilog at hindi na lumutang.

Hinanap ang biktima ng mga rumespondeng pulis at nakita ang nakalutang nitong bangkay.

vuukle comment

JONATHAN PAVA

PASIG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with