Maghinay-hinay sa pagkain ng sobra ngayong holiday season — HPA
MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Healthy Philippines Alliance (HPA), network ng civil society organizations sa publiko na ngayong kaliwa’t kanan ang mga Christmas party ay na maghinay-hinay sa pagkain ng marami lalo ng mga unhealthy food upang maiwasang tamaan ng noncommunicable diseases (NCDs).
Ayon sa HPA, hangga’t maaari ay iwasan ang pagkain ng sobra ng mga mataas sa sugar content, maaalat, at matataba dahil mataas rin ang tyansa nito sa mga sakit na gaya ng diabetes, heart disease, at cancer.
Dagdag pa nito, kadalasang tumataas ang heart attack cases tuwing holiday season.
Payo ni Dr. Jaime Galvez Tan, former Health Secretary at Convener ng HPA, imbes na mag-overeat ay kumain lamang ng normal-sized serving at maglagay ng gulay sa pagkain.
Mas mainam rin aniya kung mas piliin ang prutas na opsyon sa dessert.
Kaugnay nito, hinikayat rin ng HPA ang mga pamilya na ugaliing suriin ang nutrition labels ng mga binibiling ihahain ngayong Kapaskuhan.
Pinaalalahan din nito ang publiko na manatiling physically active, iwasan ang sobrang alak, paninigarilyo at matulog ng sapat para iwas sakit at ospital.
- Latest