180 Chinese national idineport ng Pinas
MANILA, Philippines — Nasa 180 Chinese nationals ang pinatapon ng Bureau of Immigration (BI) nitong Huwebes sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos silang iditene sa isang raid sa hinihinalang sex-trafficking at online scam operation sa Manila.
Kabilang ang mga Chinese nationals sa mga naaresto sa operasyon ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at ng Philippine National Police (PNP) sa POGO hub na Smart Web Technology Corp. sa Pasay City.
“Nadiskubre ang sex toys, massage parlor, karaoke rooms at restaurant sa gusaling sinabi ng mga otoridad na lisensyado bilang internet gaming company na kung saan ay nasagip ang ilang kababaihan sa raid”, wika ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Isinakay sa eroplano ang mga Tsino patungo sa Shanghai. Inilagay na rin ang pangalan nila sa BI blacklist database.
- Latest