^

Police Metro

Bumbero nangingikil sa aplikante, arestado

Doris Franche-Borja, John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang bumbero ang naaresto ng mga otoridad sa entrapment operation dahil sa rek­lamo ng pangingikil sa aplikante sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ang naares­tong suspek na si Fire Officer 3 Jesson Albios Casanes, 35 nakatalaga sa Isabela City Fire Station, Isabela City, Basilan Province at residente ng Purok Malaumon, Barangay Poblacion, Malangas, Zamboanga Sibugay.

Sa report ni FCSupt.Renato Marcial, nakatanggap sila ng report hinggil sa operasyon ng suspek sa mga nagnanais na pumasok sa BFP.

Agad niyang pinaberipika ang impormasyon hanggang ikasa ang entrapment operation, alas-5:15 ng hapon sa Purok Crossing, Brgy.Sicade, Kumalarang, Zamboanga del Sur.

Dinakma ng mga otoridad si Casanes nang tanggapin nito ang extortion money na P400,000.00 mula sa isang BFP applicant upang matiyak na matatanggap ito sa ahensiya.

Ayon kay Marcial, hindi nila pinapayagan at kinokonsinte ang gani­tong gawain. Aniya bahagi ito ng kanilang internal cleansing.

vuukle comment

BUMBERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with