Mga negosyante sa Embo brgys., inabisuhan sa Taguig na magparehistro
MANILA, Philippines — Naglabas ang pamahalaang lungsod ng Taguig noong Martes ng mga alituntunin, kinakailangan, at hakbang para sa pagrehistro at pagpalit ng business permits para sa mga businesses mula sa mga EMBO areas.
Ang Taguig BPLO ay tumatanggap ng mga registration at payments ng business taxes para sa taong 2023 ng Embo businesses.
Mangyari lamang ihanda at ibigay ng mga business owners ang mga sumusunod na requirements: Application Form; Current Makati Business Permit; Latest Official Receipt; 2x2 Formal picture ng owner (Single proprietor) o logo (Corporation); Location Sketch; 3R picture ng exterior ng establishment.
Pagkatapos nito ay pumunta sa cashier para magbayad ng outstanding business taxes; ipakita ang OR sa BPLO at hintayin na i-release ng Taguig ang inyong business permit.
Ang Taguig BPLO ay nagbibigay din ng replacements o pagpalit ng Makati Business Permits sa Taguig Business Permits para sa mga businesses na nakapagbayad ng kanilang 2023 business taxes.
Ang mga requirements: Application Form; Current Makati Business Permit; Latest Official Receipt; 2x2 Formal picture of the owner (Single proprietor) or logo (Corporation); Location Sketch; 3R picture ng exterior of the establishment. Hintayin na i-release ang inyong Taguig Business Permit. Hinihikayat ng Taguig ang lahat ng EMBO business owners na i-secure ang kanilang Taguig Business permits bago matapos ang taon upang maiwasan ang pagproseso nito sa renewal period sa Enero 2024 kung saan nagiging mahaba ang pila para sa payment at renewal ng permits.
- Latest