^

Police Metro

2 barko ng Pinas binangga ng China sa West Philippine Sea

Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 barko ng Pinas binangga ng China sa West Philippine Sea
China Coast Guard (CCG) vessel collides with Armed Forces of the Philippines (AFP)-contracted resupply boat during a rotation and reprovisioning (RoRe) mission to BRP SIERRA MADRE on October 22, 2023 because of CCG's dangerous blocking maneuvers.
AFP

MANILA, Philippines — Patuloy umano ang gi­na­ga­wang pangha-harass at pambu-bully ng China nang muling banggain ng Chinese vessels ang dalawang barko ng Pilipinas kahapon ng umaga.

Sa report ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), alas-6:04 ng umaga kahapon nang banggain ng vessel ng China Coast Guard na CCGV 5203 ang resupply boat na Unaiza Mayo 2 Ayungin Shoal.

Nagsasagawa ng rotation and resupply mission ang naturang barko ng AFP sa BRP Sierra Madre.

Ayon sa NTF-WPS, ang pagharang ay nangyari 13.5 nautical miles silangan hilagang-sila­ngan na kung saan naro­roon ang BRP Sierra Madre.

Sa kabila nito, tagumpay pa rin ang resupply mission sa BRP Sierra Madre.

Nanindigan naman ang CCG na ‘legal’ ang kanilang pagharang sa mga barko ng Pilipinas na umano’y iligal na nagdadala ng “ille­­gal cons­truction mate­rials” sa BRP Sierra Madre.

Kasunod nito, sinalpok din ng Chinese Maritime Militia vessel na CMMV 00003 ang MRRV 4409 ng Philippine Coast Guard.

Giit ng task force, ang pagbangga sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ay patunay sa pag­balewala ng China sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), Conven­tion on the Internatio­nal Regulations for Preven­ting Collisions at Sea (COLREGS) at ang 2016 Arbitral Award.

CHINESE VESSELS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with