Kinidnap na Chinese at HK national sa Parañaque, nasagip sa Cavite
MANILA, Philippines — Isang Chinese at Hong Kong nationals na napaulat na kinidnap sa Parañaque City, ang nasagip sa General Trias City, Cavite, na kung saan apat na suspek ang naaresto nitong Martes ng gabi.
Ayon kay P/Lt. Col Jose Naparato,General Trias police chief, na ang mga biktima na sina Wen Zhang Chen, 46, Chinese national ng Sta. Cruz, Metro Manila at kasamang si Chong Wing Tai, 55, Hong Kong citizen at residente ng Concorde Village Sunrise, Parañaque City ay natagpuan ng mga pulis sa isang bahay sa Metro South Subdivision,Barangay Biclatan, General Trias City, Cavite nitong Martes ng gabi.
Kapwa nakaposas at may takip na packaging taped ang mga bibig sa loob ng nasabing nirentahang bahay ng isang araw.
Nabatid na nagawa ng mga biktima na makahingi ng tulong sa isang kawani ng isang hotel sa loob ng nasabing subdivision na siyang nag-report sa mga otoridad.
Mabilis na rumesponde ang mga otoridad sa lugar at nasagip ang mga biktima na kung saan ay apat sa pitong kumidnap sa mga ito ay naaresto.
Patuloy na ang operation ng anti-kidnapping para nalalabing pang mga kidnaper.
Ayon sa mga biktima na sila ay kinidnap ng pitong Chinese at ilang Pinoy at dinala sa Cambridge Street Metro South, Brgy. Biclatan, General Trias City, Cavite noong Lunes ng gabi.
- Latest