20 pulis sa Jemboy case pinasususpinde ng 59 araw
MANILA, Philippines — Dalawampung pulis na sangkot sa pagkamatay ni Jemboy Baltazar ang inirekomenda ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) na suspendihin ng 59 araw.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, kabilang dito ang mga pulis na bigong ma-preserve ang crime scene at makapagsagawa ng ballistic at paraffin tests sa mga pulis na kasama sa police operations.
Nilinaw ni Triambulo na ang nasabing rekomendasyon ay para sa second batch ng kasong administratibo na isinampa laban sa mga pulis.
Kasama na rito ang walong pulis na napatunayang guilty sa kasong Grave Irregularity in the Performance of Duty at Conduct Unbecoming of a Police Officer.
Ang walo ay una na ring pinasibak ng PNP-IAS sa serbisyo na inaprubahan ni National Capital Region Police Office (NCRPO).
Magugunita na Agosto 12, 2023 nang barilin at mapatay ng mga pulis si Baltazar sa Barangay NBBS Kaunlaran na lumitaw na biktima ng ‘mistaken identity’.
Lumilitaw na namatay si Baltazar dahil sa tama ng bala sa ulo at pagkalunod.
- Latest